Tuesday, May 22, 2007

Ilaw

sa pagdating ng bagyong hahagupit
sa munti mong bunga
at pagbungad nga bahang lulunod
sa mithiin ng tibok na maituloy
ang naudlot nating paglakbay –
magpumilit ang sabik ng dibdib
na uuwi sa nagdaang panahon
ng iyong haplos-lambing ng pangaral
at yakap-pagmamahal
na nagging kumot at gabayko.
hinanap kita sa dulo ng bahaghari
sa bukid at maging sa dagat
subalit walang ilaw na naroon
pagkat ang liwanag mo’y
nasa piling naming inulila mo.

(planok nga ipatulod daytoy a daniw iti Liwayway Magasin, 'Giem.)

No comments: